Wednesday, June 17, 2009

jail! jail! coffee


(hindi 'to ang assignment nyo.. naisipan ko lang magsulat ng tula :) haha :) ..habang nagpapakundisyon, deadline ko na kasi ng episodes 7 and 9 for celebrity boxing series, hindi ko pa den nasisimulan isulat :)
..nasa baba nito ang assignment, yung "man is the center of the solar system")

jail! jail! coffee     

what coffee will we drink     
is of less importance     
than the question of "will we?"                                            

it was a hot afternoon
with mirage on the street.
mocha-frap and chocolates
and this unfinished poem.

hanggang dumating ang hapon
at dumilim later on.
katulad ng hanging malamig na,
uulan pa 'ata.

o tutulog na lang ba?


3 comments:

Anonymous said...

Want to comment on piracy.
Anyway, mahal ang original kaya i would absolutely prefer buying pirated cds. I admit, I don't give a damn kung naluluge ang mga producers when people keep on patronizing such. Why? I don't think they would also care kung malaki ang nababawas sa bulsa ko dahil sa pagbili ko ng cds nila diba. Of course, what is only important to them eh makabenta sila ng malaki at pumatok ang mga pinoproduce nila. Though I know that if I keep on buying pirated cds I'll be one of the causes why the film industry of our country is getting worst. Well, can you expect in a 3rd world country na ma-afford pa nila bumile ng mahal? definitely not. My God, lahat tayo nag-aim sa mura, & everybody has a choice. I can't think of any solution 'bout this, maybe producers should make it a lil' cheaper, don't know kung pano nila gagawin yun. Bahala na sila...
Lahat naman gusto yung quality but the industry should consider also what kind of people is in the majority that also wanting to hear & watch cds or dvds. No wonder, how much the artists & producers beg on t.v to buy only their original albums, people will always stick to pirated ones.
Mahirap lang ang Pinas, let's admit that fact. Mahirap baguhin ang mentality ng tao. Piracy will exist as long may pinoy. Hopeless to say, but I don't think we could find our way out here.

-Querubin, Precious Grace P.- U4B

Anonymous said...

Arvin Lat

Piracy

tuwing manonood ako ng movie sa cd or sa dvd na orig laging meron pinapakita na "stealing is a crime and piracy is stealing". Oo nga naman parang pag-nanakaw na din ito dahil hindi nga naman kikita ang mga gumawa ng original version ng pinirata mo. Walang naitutulong ang piracy sa industriya ng Musika, pelikula at sa mga bagay na pwde pang mapirata.

Pero marami naman siguro ang sasangayon sakin kung sasabihin ko na "buti nga may piracy". Sa lahat ng mga kaibigan at mga kakilala ko lahat ata nabili ng pirated. Nakakatulong din naman ito, sa mga walang pambili ng orig, sa mga gipit, sa mga dukha na katulad ko at saka dito din nga pala nag-simula ang mga scandal(meron b scandal sa mga orig?). Dahil sa piracy nabibili namin ang mga nais namin. mga anime na hindi tinatapos sa GMA at ABS, napapanood at natatapos namin dahil sa pirated cd's and dvd's. hahaha! kung wlang pirated, e di hindi ko na nalaman kung anong nangyari sa Deimon devil bats at kay Sena. At sir, eheads fan din nga pala kayo, ako din naman pero kinalulungkot ko sabihin na meron kami cd sa bahay kompleto lahat ng kanta nila pero pirated. hihihi.

Siguro kung yayaman ako bibili ako ng orig pero hindi ko din masabi nasanay na ako sa pirated eh. Pag-naging producer or something na lang siguro ako dun ko palang magiging kaaway ang piracy. Pero ngayon it is the best thing that ever happened to mankind! Lahat ng cd ko sa bahay pirated kaya ganyan hehehe. Sorry na lang sa mga negosyo na nahihirapan dahil sa piracy.

Anonymous said...

Hi Sir+_^ late po+_^ sorry naman,,, habol po=D

well, anyways...

i wanna say somthing about "PIRACY". A'YEAH!^_^

hmm...obviously sir, im guilty of it. i also watch and buy pirated dvd's or cd's.
As an abcomm student i know that by buying such thing really affects them(producers,etc) badly. what do they expect for us to do? spend like around P300 just for one movie if i could see more than one movie with that amount. I'd rather buy the pirated one and spend less than a hundred and see more than one movie or just wait for the original ones to become cheaper.haha! kuripot na kung kuripot(praktikal lang). abah. remember, we are in a third world country...wala nang pam-pam(epal). let's not fool ourselves,,, kahit pa sabihin nating alam natin yung tama, if you're in the situation already, nag-iiba yung mga plano. So in connection with this matter, I'm just trying to say that mahirap ang buhay ngayon, kaya dahil dito, napipilitan tayo na sumuway sa mga batas-batas at kung anu pa man. Admit it! walang pa 'innocente de ti' well, kung meron man sigurong nakakasunod sa law against piracy, yun eh yung mga wala ng mapaglagyan ng pera. and even if yung mga mayayaman nga, for sure sila rin, guilty. And naisip ko lang, maybe, 'kung' maubos lahat ng pirated movies or what so ever? malang magiging mas talamak ang mga magnanakaw sa pilipinas or kung saan man.haha! la lang+_^ and another thing is meron akong nabasa na article about 'Movie Piracy' and they were asking if movie piracy can be stopped daw? haha! natawa lang ako+_^ pwede ba??? siguro matitigil lang yun if mamimigay sila ng free copies of their movie.haha! wala rin=X hehe! parang virus lang yan.(swine flu???) haha! alam ko na. siguro wag na lang ipakita ng mga producers na mcyadong malaki yung return ng money sa kanila. tayo kasing mga Filipinos, ayaw na nalalamangan.haha!
anyways... base naman sa "stealing is a crime and piracy is stealing" hay, naku! this is irritating. if i know, syempre nga naman. mababawasan ang 'secret treasure' ng ating mga kataas-taasang kagalang-galangang mga waldas yaman ika nga. hmm...
basta sir, ako i buy original movies when i know i can afford it, but sometimes we also have to consider the pirated ones, hindi man ganun kaganda yung quality, nakaraos naman.haha! apir sir!+_^

pera-pera lang yan!=P
(peace sa mga natamaan)


-(Aiko Akiko Morita_U4B)