Thursday, October 16, 2008

36 hours, no sunset!

dapat ay "school of thought" ang title ng blogspot na 'to but because of recent development ..na nakakaloka!
, ang title na ay "36 hours, no sunset!"
yes!
yes!
oh-my-god!
as in oh-my-god!

check it on CNN!

october 17, friday morning.. sun will rise
but there will be no friday night.
lulubog ang araw sa sunod pang araw, sabado ng -- 9 or 10 pm!

mag-ti-tilt ang earth. so 36 hours na walang gabi!
nangyayari ito every 2,400 years.
and this friday, oct 7 to oct 8 is the day..
my god!

amazing!

anyway.. going back to school of thought:

--------------

school of thought

"there are quite a number of things thought in school that one has to unlearn."

-ambeth ocampo, book author, historian, inquirer columnist

it has been days now that i'm writing and preparing for this last post (at least for this sem, and specifically for this class). but i was able to wrote only introductions. yet melodramatic, but the truth is i can not find the right words to say my true emotions saying bye-bye to you. i am happy that i've met you mga repapips and repakols at kayo ang una kong naging mga estudyante. and now, nalulungkot ako kasi tapos na ang sem :(
oh di ba, ang melodrama :)

let me start by saying na after all that has been said and discussed.. pagkatapos ng mga keme kemeng formula at mga ganito at ganyan sa kung papano ang paggawa at pag-create ng ganito ganyan, papano ang chever sa camera, sa edit, at kung anu-ano pa..
isa lang plage ang bottomline..
u break the rules!
fuck the norms!
fight the worms!
(whatever that means)

one of u asked in the earlier post, "is there a scientific scientific method for effective writing?"
first, writing is not a science. so u can't have it that way :)
many books and many articles say something about how to write and how to be creative and some other how to's but of course, u can see that unlike skills, hindi naituturo ang talent. ang mga librong katulad ng "trip to quiapo", etc.. ay nagpapakita at naglalahad ng mga examples at karanasan ng pagsusulat pero aminadong hindi sapat ang manual na yun para makapagturo ng pagsusulat or ng pagiging creative in general.

ang pagsusulat and/or ang pagiging creative (kung anumang discipline) ay nakukuha sa loob ng ilang taong pagbabasa ng kung anu-ano, panonood, pagiging observant sa buhay, etc.
it's a way of life. it is passion. it is love. it is not a work, it is a vocation.

and i am not saying i have that. maybe, for some, they can appreciate what i have, they can appreciate what im saying or what im writing. but for for some, im just saying bullshit. ganun talaga, may iba't iba tayong appreciation ng beauty. and that what makes it cool :)

and talking about work and vocation, isa den sa tanong ng isa sa inyo sa blogspot is:
"which is better - writing as job or as a hobby?"

that is always my problem. and i think will always be :)
hindi talaga ako writer as an employee. the way it should be. at least, in writing for abscbn. syempre, yun ang nagpapasweldo, dapat kung ano ang gusto nila, yun ang isusulat. pera nila yun e. hired ka para gawin kung ano gusto nila. pero yun na naman.. the emotional me..
i always act and think of myself as the writer artist rather than the writer employee. pero kung mananatili akong ganun, masasaktan at masasaktan ako plage sa mga concept na binabago dahil kelangang gawing mas bakya, kelangang gawing mas naiintindihan ni aling bebang, etc.
una kong segment sa wazzup, naiyak ako nang makita ko on-air. ibang iba yung ginawa ko sa nag-air. inaway ko yung kumatay ng segment ko. isa sa mga bossing ko. and kung nabasa nyo na yung reply ni squid villanueva sa post na 'to.. hindi pa nya nagagawang mang-away ng bossing dahil nabaril ang concept..
well, ako, madalas :)
haha :)
hindi dahil sa nadisapproved ang concept or ang idea ko. okay lang yun kung ganun. alam mo, kung mahal mo ang show, walang problema kung mabaril ang idea mo kung alam mo naman na tama nga sya. like sa wazzup, nirerespeto namin ang headwriter namin. so kahit may mga ideas ako at sinabi nya na hindi pwede yun, okay lang. ganun talaga, susundin ko sya. kasi may respect. pero yung last na e.p. namin sa wazzup, halos lahat kami walang respeto dun. kasi bopols. kaya lang napunta sa pwesto kasi malakas sa taas. andami daming beses na napapahamak ang show dahil sa mga desisyon nya. so dumating ang time wala na kaming pakelam kung anumang sabihin nya. basta, kami kami na lang ang nagkakasundo kung ano ang dapat sa show, kung ano ang dapat mag-air. syempre, upon seeing it on-air, galit na galit ang e.p.
pero bahala sya sa buhay nya. kapag inaaway kami, aawayin din namin.
ngayon, wala na sya sa abscbn. siguro, nakita den nya na hindi sya para sa ganitong work. before sya umalis, may dalawang show na halos sabay nag-off-air. sya pareho ang e.p.
let's go and wazzup wazzup.
so ayun :)

anyway..
yung iba namang tanong, nasagot na nung ilan kong repapips na nagreply. more or less, ganun den naman ang sagot ko :)

remind ko lang ulet, wag na wag kayo aabsent dz saturday. clue: magdala ng ballpen at paper(s).
and again, do your classmates a favor.. either u tell them to read this post or at least u tell them what im telling here :)
as i've said, u don't have to study. kung alam nyo ang kwento ng group nyo, alam nyo kung anong nangyari sa pre-prod, sa shoot, at sa iba pang mga bagay bagay.. yun yun :)
kung wala kayo idea kung ano nangyari.. nakoh.. baka wala kayo maisagot :(

and to continue..

gusto ko lang balikan ang ilang mga pangyayaring i shall call, "exemplary". it takes some balls, determination, and heart doing it.

1.
nasabi ko na to dati pero sasabihin ko ulet :)
it was your docu for midterm, the night before that saturday and yung saturday mismo, before pm class, macko was texting some things concerning failed attempts on some techinal chenes on edit. but came the time to pass, kahit may konting discrepancy, he passed it. and i say it again, that's the spirit!
syempre, okay that's not to discount yung group nina jaeda na days before that ay nauna nang nakatapos, at nung iba pa na maayos at maagap na nakatapos. yun ang ideal!
pero pag dumating sa inyo ang time (at least kung nasa T prod kayo sa totoong buhay) na nangarag kayo, na nakakaloka ang time-pressure dahil sa mga di maiiwasang bagay, don't forget - u should air it. that's the practice. may mga pagkakataong ang Nginig ay nagsho-shoot pa ng umaga and gabi, kelangan nang mag-air. ngarag sa edit. pero walang valid reason para hindi mag-air yun come the airing time.
lalo na kung mapupunta kayo sa news. syempre, hindi naman pwedeng gawin in advance ang news :)
daily yun..
so araw araw na ganun..
pag hindi nag-air yun ng same day, huli na, mauunahan na ng kabilang channel. or hindi na airable ang news kinabukasan dahil may new update na, panis na. makikita nyo ang ibig kong sabihin :)

at without demeaning what happened sa ibang di pumasok kahit may assigned report, wag nyo na ulet gagawin yun :)

sa totoong buhay, nakoh.. sabon kayo.. and hindi na kayo malilimutan (negatively) ng mga bossing nyo.
whatever the reason, uulitin ko.. walang valid reason sa mga ganun.

2.
steve, ayus ka!
ang galing ng rhythm sa paggagawa ng program. yung news na kasama si steve, yung kina cheche.. chika news alert 'ata yun.. solved sa rhythm! walang laylay. pasok na pasok sa mainstream entertainment ang tempo. ganun den yung fake commercials na docu..
of course, like i said before, technically, mukhang may kulang sa editing facilities mo.
pero without that problem, ayus na! :)
sana i can see u soon as AP or SP.
kaya may mga programa (GMA man or ABS-CBN) or segment na andaming laylay kasi yung nagma-master (AP or SP), walang alam sa rhythm. hindi alam kung kelan magpuputol, hindi alam kung kelan mag-slow mo, etc..

3.
i talked to ekah about this. and i told her that i was hurt. u said, "baket yung ibang nag TV prod den dati, hindi naman ganito. nagmumukhang scriptwriting class tayo".
kahit kelan kasi, hindi ko kayo ikinompara negatively sa iba. because i understand and i know na may iba't iba naman tayong backstory and appreciation on things. and to compare me with other professors having different module albeit the same subject is wounding. i don't know kung nakikita nyo ang effort and passion ko.. but i was and i am doing more than what i should do as a professor. nakikita nyo ba yun? naaapreciate nyo ba yun? na kelangan ko lang ay magturo. that's it. but i always consider kung mag-eenjoy ba kayo, kung relevant ba yung nasa books, kung updated ba, kung gusto nyo ba or kelangan nyong malaman yun, etc. Sabi nga ng iba kong repa, baket ka pa sumasama sa shoot? baket ka pa namomroblema kung nakuha na ba nila ang tamang software sa pageedit or pagko-convert? baket mo binibigyan ng ganitong raw mats? baket mo kinokontak si ganitong personality for them, etc? etc..
hindi ba dapat hihintayin mo na lang ang pagsa-submit nila.. na kung wala, e di wala.. walang grade.
Pwede naman yun!
Pero i don't want that.
I am and will always be the emotional person that is subjective and involve in whatever that i will do. Or else, hindi ko na lang pinasok kung ayaw ko.Kung hindi ako mag-eenjoy gawin.
The very reason kung baket hanggang ngayon, iniiyakan ko pa den ang mga segments ko sa A.B.S. kapag nababalahura.
because i love this thing. hindi ko kino-consider na work to. passion 'to, mga repapips :)
and again, im sori.. u might say na i'm too much of myself na naman.
again, u have all the right to say ur disagreement(s) :)
like i've said before, matagal ko nang gustong magturo. kasing level 'to ng pangarap kong maging filmmaker and maging presidente ng pilipinas :)
hehe :)
nung tanghaling yun, after that, kaya ako nagpa-15mins na break, kasi naiiyak na ako inside me. and i don't want u to see me cry in front. that will be fuckin' uncool and moronic.

but why has is struck me? u know what, maybe because it is true.

kung walang kwenta yung sinabi, e di palalagpasin na lang. pero it struck me kasi baka nga nagiging scriptwriting class na lang tayo. baka nga sa vision ko lang maganda. yun pala hindi na yun ang katotohanan. hindi naman imposible yun.

narinig nyo na 'to, sa iba, madaming beses na.. and naaappreciate ko ngayon. na hindi lang ang estudyante ang natututo upon entering the classroom. ganun den ang teacher. i can not know what's on your mind when ur not talking.

naalala ko, after graduating, nag-direct ako ng isang play dati sa sanbeda. ilang beses ko nang nabanggit yung salitang "riddance" kasi ang gagamitin naming music ay good riddance ng green day. ang pronounce ko ay "raydans". after ilang meetings and practice, isa sa mga actor ang hindi na nakatiis, "sir, ridans" (ang tamang pronunciation).
fuckin kewl!
kung hindi nya nasabi yun, baka hanggang ngayon, mali pa den pagbigkas ko ng riddance :)
trivial lang naman yun. pero it means a lot to me.

kaya naloloka ako sa mga teacher namin dati (or mga bossing ngayon) na nagagalit pag itinatama sila.
syempre, hindi maiiwasan yung initial reaction. na baka sa una, magalit or masaktan or ma-shock or hindi matanggap. pero di ba, dapat, upon realizing things, kung valid naman ang point.. why not di ba :) the first step to responsibility is disobedience!

wala namang monopolyo ng truth e.
para den yang beauty. may kanya kanya tayong appreciation :)
ang meron lang is collective memory.

anyway..
so ayun,
that was another exemplary moment. have balls to say ur piece. that's the angas factor :)

4.
hindi ko na sana ilalagay to kasi pinsan ko si kokay. and it may appear bias. pero hindi ko pa man estudyante si kokay, kahit nung batang bata pa sya, nag-uusap na kami ng tungkol sa anime, literature, art films, etc..
and i am very pleased nang makita ko ang writings and other creative efforts nya sa klase. i can't even write at that level nung nasa college pa ako. nagsusulat na ako sa school paper nung high school pa lang pero pag binabasa ko ngayon, konti na lang yung mga sinulat kong nagugustuhan ko pa den hanggang ngayon :)

kudos to that! :)

5.
hindi ko alam kung sasang-ayon kayong lahat or hindi.. pero i think cheche is a good leader.
may sense of responsibility and judgement call.
syempre, base ko to sa aking mga nakita at ibang nadinig. hindi ko naman malalaman ang mga hindi ko nakita at hindi ko nadinig :) wala naman akong super power :)
anyway, no further explanation :)
basta, sa tingin ko, ganun :)

6.
c.y. and hector,
kayo ang embodiment ng gusto kong mangyari sa mga susunod ko pang mga magiging estudyante.
u can tell me without hesitation "fuck you" and other shitty shitty bang bang other students can't tell.
of course, para sa mga conservative, im not saying na saying "fuck you" to anyone is a good thing to do.
look at the bigger picture. one of my ideologies (again, im not saying that this is the absolute truth! na eto ang standards. ako lang 'to. gusto ko lang sabihin na eto yung appreciation ko) kasi is..

dapat walang walls.
the bohemian ideology of truth,
beauty,
love, etc.

pipol of the world should know no color, no race, no time, no age, no titles, no gender, etc.

kung mali ka,
mali ka hindi dahil pilipino ka, or hindi dahil negro ka or mangyan ka, or bata ka, or babae ka,
or dahil empleyado ka lang, or kung anumang categories.. mali ka.. dahil mali ka.. that's it.

kung sakaling may ka-badtripan ako sa inyo, mababadtrip ako sa inyo because of the reason kung anuman yun na nakaka-bad trip. hindi dahil sa estudyante ka at ako ang teacher nyo. kaya yung reaction ko kung magagalit ako o matutuwa o maghihingi ng sorry sa bata man o sa magulang o sa pulis o sa boss ko,
pare-pareho lang yun.

ano ba yan, andami kong chika..
wala namang kwenta :) haha

7.
salamat sa mga nag-comment sa blogspot :)
sana yung susunod kong mga estudyante, mas madaming masipag mag-post sa blogspot kesa sa inyo :) haha :)

8.
jaeda, u have the structural know how on some things. okay yun. but after knowing that, u break free :)

LASTLY PALA..

yung a.m. class, minsan lang sila nag-shoot ng sat kaya mas napuntahan ko ng mas mahabang oras ang pm class..

anyway, eto yung sasabihin ko..

nagpunta ako sa mga shoot nyo.. not to remind you of technical skills and talent. konti, ganun. para makita ko kung pano kayo nagto-trouble shoot, pano nagpre-prepare, pano ang d.o.p, etc.

pero i was there to remind you na dapat masaya ang shoot. na eto ang pinili nyong course, i assume na eto den ang gusto nyo after u graduate. may ilan kasing instances na may nakikita ako at actually, tinatanong ko, and sinasabing.. nangangarag na.. and it was showing in the face.. sa galaw, etc..

na may nababadtrip kay ganito, kay ganyan..
na may mga times na bumibigat ang atmosphere..

kung hindi kayo nag-enjoy sa ginawa
nyo..
im afraid to say..
baka hindi ang ganitong direksyon ang para sa inyo. na subject pa lang 'to,
na isang requirement pa lang to sa pag-aaral,
na hindi ko naman kayo
nginangarag.. papano pa kung ang kasama nyo na ay ang mga demonyong kasama namin araw araw.

syempre, napakadami den naman ng mga bossing na okay. na masarap ka-trabaho. pero syempre, hindi mawawala ang mga mabigat ka-trabaho. may mga cameraman na mahirap pakisamahan, AP na palage ka nginangarag kahit hindi naman dapat.. etc.

ano ang reaction nyo dun? pass the ngarag? na bad trip na den kayo? etc..

okay naman yun..
focus sa trabaho. f
ocus sa ginagawa.
but don't forget to enjoy. at hindi makakatulong ang pangangarag.
hindi makakatulong sa set ang mabigat na mood. andaming maaapektuhan.
sayang ang creativity. and hindi naman ibig sabihin na masaya, hindi na focus sa ginagawa e.

but to offset that..

bilisan nyong mag-shoot!

:)

napansin ko lang,
may mga pagkakataong mukhang napapatagal ang hintay factor :)
and yung preparation, parang antagal :)
minsan,
yung susunod na eksena, antagal pinaguusapan.. ano ba yun :)

work on it :)
kaya kayo nagpre-prod para mabilis na sa shoot..

minsan kasi,
hindi nyo kakampi ang weather,
ang may-ari ng bahay naiinip,
at iba pang mga external factors :)

AND ISA PANG LASTLY.. the 1st saturday of our class,

i said, "wala
man kayo matutunan this sem,
isa lang ang promise ko, mag-eenjoy kayo". sana
natupad ko yun :) sabi ko
lastly na pero andami ko pa sinabi ano :)
oh-ha! hehe :) the
variations of my silly monologues..
elaborate yet useless :) hehe :) any-
way,
ito ang 1st part ng
test nyo nyo this saturday:
how's the project? what was
your part sa ginawa nyong TV series pilot episode?
Or, ano ang (mga) ginawa mo? For
ur group, ano ang mga naitulong mo? May mga na-
encounter bang problems ang group?
Kung meron, pano sinolusyunan?
Any learning(s) after doing the project? And what is your
honest assessment sa nagawa nyong TV series pilot?

do ur classmates a favor.
either u tell them to read
this post or tell them kung anong sinabi ko dito :)

pwede nyo na 'tong sagutan ngayon, pero sa saturday nyo pa dadalhin (hard copy).
other parts to answer to follow come classtime. so don't absent.

Sori, corny.. pero kelangang may paghugutan ako ng grades nyo :)
otherwise, sa roleta ako kukuha ng grades nyo :) syempre, ayaw natin ng ganun :) hehe :)

and combined class tayo..
11am ang pasok nyo. pagbigyan nyo na ako, last saturday of the sem na naman :) and para den mapanood nyo yung sa kabilang group :)
and some other things :)
(like class picture :) hahaha)

kita kits!

i will miss you all..

Anonymous Anonymous said...

we're back to business
...it's kinda weird considering the novel-length goodbye that you posted for us...
anyway, it could have been worse than a tragic end so we're still sticking it out here...

a damned question!
what the hell happened to TV 5?
What's gonna happen to you?!
To us?!

So much for my tv viuewing appetite (feels weird considering that the TV production subject really ended last sem)

anyways, it's good to back and kinda...kicking(as long as nobody gets hit...)

and sir....you owe us an individual retreat letter! (oh, please don't be melodramtic...we have enough tears, frustration and angst on those days...)

Cheers,
wandering eyes

December 9, 2008 11:50 AM

1 comment:

Anonymous said...

we're back to business
...it's kinda weird considering the novel-length goodbye that you posted for us...
anyway, it could have been worse than a tragic end so we're still sticking it out here...

a damned question!
what the hell happened to TV 5?
What's gonna happen to you?!
To us?!

So much for my tv viuewing appetite (feels weird considering that the TV production subject really ended last sem)

anyways, it's good to back and kinda...kicking(as long as nobody gets hit...)

and sir....you owe us an individual retreat letter! (oh, please don't be melodramtic...we have enough tears, frustration and angst on those days...)

Cheers,
wandering eyes